Bubuksan na sa mga susunod na buwan ang Consular Office ng Department
of Foreign Affairs (DFA) sa Robinson Calasiao para mailapit ang
serbisyo nito kagaya ng pagproseso sa pagkuha ng passport.
Ang bubuksang consular office sa Robinson Mall sa Calasiao ay
magiging unang Provincial Satellite Office ng DFA sa buong bansa sa
labas ng Metro Manila at ito ay hindi lang para sa mga Pangasinense,
kundi ito ay para sa lahat na gustong makakuha ng pasaporte.
Matatandaang pinangunahan ni Board Member Ranjit Shahani at ang
Sangguniang Panlalawigan ang paggawa ng Provincial Resolution No.
317-2013 para iendorso pagkakatatag ng DFA Passporting Office sa bayan
ng Calasiao.
http://dzrd981.sonshineradio.com/2014/02/kauna-unahang-provincial-satellite-office-ng-dfa-sa-buong-bansa-bubuksan-sa-calasiao-pangasinan/